they had a heated argument in the show.
Vice Ganda first took the chance to make an apology. Here's his
lengthy statement today:
"Nagkaroon po ng hindi kami pagkakapareho ng paniniwala ni Tado dahil
sa kanyang paniniwala o nasabi na "mabuti pang magnakaw kaysa mamakla"
na sadyang 'di ko po talaga kayang tanggapin at ikinasama ng loob ko
at ng napakaraming bakla at ng iba pang tao sa Pilipinas, bakla man o
hindi."
"Para po sa 'kin, hanggang ngayon naninindigan ako na kailanma'y 'di
magiging tama o mabuti ang pagnanakaw. Gayunpaman, ako rin po ay
nakagawa ng isang pagkakamali. Maaaring para sa 'kin po ay
kasuklam-suklam ang binitawang pahayag ni Tado, ngunit 'di rin naman
kahanga-hanga ang ginawa kong pagpapahayag ng aking damdamin kahapon,
nang ipinahayag ko ang aking paniniwala na may kasamang galit at
pagkapikon. At 'yang ugaling yan ay sadyang kasuklam-suklam din at 'di
kapuri-puri..."
"...Inaamin ko po nagkamali ako dahil naging mapusok ako't nagpadala
sa bugso ng aking emosyon. Kaya hayaan nyo po akong buong
pagpapakumbabang humingi ng paumanhin sa lahat..."
"...Sa inyo pong lahat...patawarin nyo po ako. At gayon din kay Tado,
nasaktan mo nang malalim ang damdamin ko ngunit alam kong nasaktan din
naman kita sa ipinahayag ko kaya hayaan mong humingi ako ng paumanhin
sa 'yo."
And they hugged each other tight. How sweet! O plastikan lang?
Tado meanwhile had a short speech prepared: "Ako din naman po, si Tado
Jimenez, ako po'y humihingi ng paumanhin sa mga salitang nabitawan ko
na maaaring nakasakit ng damdamin at naka-offend sa inyong manonood
partikular na sa gay society lalung-lalo na kay Vice Ganda. Muli po,
taos-puso po akong humihingi ng paumanhin."
All is well na nga for the two & they're admirable for the humility
they showed today.
Spotted watching at the audience today is Showbiz Central host Raymond
Gutierrez, who's a close friend of Anne Curtis. Ano kaya stand niya sa
gay issue kahapon between Vice Ganda and Tado?
Tidak ada komentar:
Posting Komentar