Minggu, 25 Oktober 2009

Big Brother, happy about Princess Manzon's voluntary exit?

Marami-rami ang hindi maka-move on sa sudden voluntary exit ng napakaseksing si Princess Lieza Manzon kagabi sa Pinoy Big Brother Double Up.

Isa na po ako 'dun.

Nag-desisyon na nga po si Princess, ang tinaguariang Sassy Vamp ng Cebu, na lumabas na lang ng buhay matapos patawan siya ni Kuya ng automatic nomination dahil sa isang matinding rule violation.

Ito po'y kaugnay sa di niya sinasadyang pagbanggit kay Melisa Cantiveros ng hindi niya pagboto kay Delio Dimaculangan para mapatalsik sa Bahay ni Kuya.

Ayon kasi sa rule book, bawal pag-usapan sa loob ng Bahay ni Kuya ang tungkol sa kanilang ibinoto o ibobotong housemate.

Princess definitely made a fault, but have you thought of it, Kuya also matched it with a fault.

Imbes kasing si Princess ang unang sabihan ni Kuya about the violation, nauna munang sinabihan ni Kuya sina Johan Santos, Cathy Remperas at Paul Jake Castillo sa nagawang violation ni Princess.

Inutusan pa ni Kuya ang tatlo na ipunin ang buong housemates ng House A para ipamukha kay Princess na nalabag niya ang isa sa mga rules.

Isa ngang malaking sampal 'yun kay Princess lalo pa't harap-harapan siyang ibinuking kay Delio. Bakit naman gano'n Kuya?

And after nu'n, saka pa lang ipinatawag si Princess ni Kuya.

Depensa naman ni Princess, hindi niya naman daw intensyon na labagin ang rules ni Kuya at dala lang ng bugso ng damdamin dahil nga sa paminsan-minsang 'di nila pagkakaintindihan ni Delio.

Pinatawan ni Kuya si Princess ng automatic nomination pero ayaw na ni Princess na ma-stress pa ang kanyang pamilya dahil baka 'di na raw nito kayanin ang two weeks in a row niyang pagkaka-nominate.

It was a quick decision made by Princess at kahit binigyan pa siya ni Kuya ng time nag mag-isip, ay hindi na nito binago pa ang kanyang desisyon.

Sa tingin nyo ba, mas happy si Kuya na wala na sa bahay si Princess?

Silent attack kaya 'yun ni Kuya na harap-harapang hiyain si Princess sa kanyang co-housemate?

Matatandaan noon na nagkaroon ng misunderstanding sina Kuya at Princess dahil sa pagbi-Bisaya ng huli na 'di ikinatuwa ni Kuya.

Palaban kasi itong si Princess kay Kuya at sinabihan niya pa si Kuya na maghire ng interpreter para maintindihan siya sa kanyang pagsasalita ng Bisaya.

Nakakalungkot dahil naudlot ang hangarin ng ilan na magsamang muli sa isang bahay ang nagkakamabutihang si Princess at ang Fil-Am na si Tom Mott.

How sad...

***

Marami din ang nakapansin kung bakit itinuloy pa rin ang botohan para sa mga bagong batch ng nominated housemates sa kabila ng pag-voluntary exit ni Princess.

Kunsabagay, sayang naman kasi ang earnings nila thru text if hindi nila itinuloy ang botohan.

Mahaba-haba pa naman kasi ang days para bumoto.

Naalala ko tuloy noong previous seasons, na biglang ipinapahinto ni Kuya ang botohan kapag ang isa sa mga nominated housemate ay nag-voluntary exit kahit pa isang araw na lang bago ang eviction night.

Eh bakit ngayon, kung kelan hindi pa sana nag-start ang botohan, ay itinuloy pa rin ito ni Kuya?

At posible pa raw na may papalit kay Princess sa loob ng Bahay. Papasok kayang muli ang Santos twins o isang bagung-bagong housemate?

Noong Saturday pa lang, bago maganap ang 1st eviction night kung saan napatalsik si Jimson Ortega ng Spain at bago pa mag-voluntary exit si Princess noong Linggo, ay ibinalita na ni Kuya na may magbabalik sa PBB house.

Lumalabas tuloy na planado na ang pagpapahiya kay Princess at ang dagliang pag-voluntary exit nito.

Tidak ada komentar:

Posting Komentar

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...