Selasa, 04 Desember 2007

Blind Item: Cesar and Josephine?

Published on ABANTE-TONIE, December 04, 2007

Sa isang umpukan ay inusisa ng ilang kaibigan niya ang isang magandang aktres na misis ng isang sikat na aktor.

Totoo bang sinampal ng aktres ang isang beauty queen turned starlet na nakapareha ng kanyang mister sa isang pelikula?


"Hindi naman. Paano ko siyang masasampal eh naawat na ako ng asawa ko? Pero sumugod talaga ako sa shooting nila nang may magsumbong sa akin na nilalandi niya ang asawa ko.

"Buntis pa naman ako that time sa panganay namin, pero palaban talaga ako. Siguro, kung naabutan ko siya, hindi lang sampal ang inabot niya sa akin," kuwento ng aktres.

Naloka raw ang aktres nang magsumbong ang make-up artist ng kanyang mister na umaalug-alog ang van nito.

Kasama raw ng aktor sa sasakyan na ‘yon ang beauty queen turned starlet.

Nag-deny raw ang kanyang mister at sinabing wala raw kasing mesa sa shooting, kaya sa van nito nakikain ang babaeng ‘yon.

‘Yung beauty queen turned starlet na tinutukoy sa istoryang ito na sinugod ng aktres sa shooting ay the same girl na naanakan ng isang actor/politician.


***
-----------------------------------------------


I think the actor is possibly Cesar Montano while the beauty queen turned starlet Josephine 'Jo' Canonizado, who now has a child with a senator. Both starred in the movie 'Mananabas'


Tidak ada komentar:

Posting Komentar

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...