Rabu, 28 November 2007

Former Eat Bulaga host Gladys Guevarra inside the "Pinoy Big Brother" house

Exciting ang headline!!

Nawala man si Ethel sa loob ng Pinoy Big Brother house ay napalitan naman sya ng isa pang komedyana na si Gladys Guevarra, na equally talented at funny like Ethel.

Si Gladys ay nakilala noon bilang isa sa mga hosts ng Eat Bulaga sa GMA 7. She went to the States with her boyfriend pero bumalik sya pansamantala noong November 16.

Sa kanyang pagbalik noon ay walang nag-akalang papasok siya sa Big Brother house. Ayon sa kanya, may aasikasuhin lang syang business.

Though bago pa man magsimula ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 last October, isa na si Gladys sa mga hinulaang magiging housemate.

Sa kanyang pagpasok sa bahay, mabuo kaya ang loveteam na Gladys Guevarra at Ruben Gonzaga?

Pansin lang nang nakararami, mukhang mga dating GMA talents daw ang ilan sa mga naipasok ngayon sa Bahay ni Kuya. Ethel and Mariel were former Extra Challenge hosts and Megan Young was from Starstruck. Si Gaby dela Merced naman ay napanood sa QTV, sister station ng GMA at si Yayo Aguila ay naging visible din sa mga shows ng GMA at isa na rito ang 'Mga Mata ni Anghelita' bago pumasok sa Bahay ni Kuya.

Last Sunday ay pumasok ang dating Reyna ng GMA na si Angel Locsin at eto ngang huli ay si Gladys Guevarra, dating host ng Eat Bulaga.

Kunsabagay, Toni Gonzaga, the host, was also a former Kapuso talent. Not a big deal though.

Pero sa pagpasok ng international artist na si Akon bukas o sa Biyernes ay masasabing ito na nga ang pinakamalaking edition ng Pinoy Big Brother.

As for other updates: Will Devaughn has been stripped off the title as the Head of Household (HOH) because according to Kuya, Baron Geisler is the real winner, based on Kuya's review of the game conducted last Monday.

Watch Gladys's entrance inside the Big Brother house:



Screencaps courtesy of tanyeen from ABS-CBN Forums

Tidak ada komentar:

Posting Komentar

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...